top of page

Nakaugat sa Pamayanan.

Lumaki sa Richmond District

Si David at ang kanyang mga kapatid ay pinalaki ng imigranteng mga magulang.  Ang kanyang ina, na si Mee, ay nagtrabaho bilang typist sa Irwin Memorial Blood Bank sa Richmond District ng maraming taon. Ang kanyang ama, na si Ken, ay nagtapos sa Galileo High School, isang beterano ng US Army at isang US Navy civilian electrical engineer.  Nagsumikap ang kanyang mga magulang na itaguyod ang buong pamilya sa San Francisco kasama ang iba pang mga kamag anak.

 

 Nang sya ay 12 taong gulang, si David kasama ang nakababatang kapatid ay sumali sa Boy Scouts. Dito nagsimula ang pagnanais ni David na makatulong at magbalik sa kanyang komunidad.  Naranasan nyang magtrabaho bilang crossing guard, at maghatid ng pagkain sa mga  nakatatanda at tumulong maglinis ng pasilyo ng Chinatown.

​

​Si David ay nag aral sa Wallenberg High School at nagkaroon ng interes sa pamahalaan at pampublikong patakaran habang kusang loob na nagtatrabaho para kay State Senator Milton Marks.

Tagapagturo

Bilang isa sa mga unang henerasyon na nakapasok sa kolehiyo, ramdam ni David ang mga pagsubok na hinaharap ng estudyanteng migrante.  Siya ay nagging tagapagturo upang sila ay tulungan na magtagumpay sa pag-aaral at mahanap ang nais nilang makamit sa buhay.


Nang makatapos sa kanyang Master’s degree, si David ay naatasang magturo ng political science sa SF State ng taong 2005.  Tinuruan nya ang mga makabagong mag aaral kung paano ayusin, makisali at pagalawin ang isang Sistema.  Natuto ang kanyang mga tinuturuan na maghikayat sa mga tao na magrehistro upang makaboto at makilahok sa kampanya ng mga patakarang pampubliko.


Matapos ang kanyang doctorate sa Edukasyon noong taong 2017, si David ay nagging Director ng Laney College’s Asian Pacific American Student Success program na sumusuporta sa mga imigranteng may mababang sahod, binibigyan ng payo ang mga estudyanteng walang legal na katayuan,  programa ng AAPI sa kalusugan sap ag iisip, at pagtuturo sa ibat ibang wika.
 

DSC01436.JPG

Namuno sa Non-Profit

Mula 1993, naglingkod si David bilang Executive Director ng Chinese American Voters Edication Committee (CAVEC), nagbubuo ng grupo na maghihikayat na bumoto, sa mga US Naturalization ceremonies, sa mga simbahan, sa mga iba’t ibang pagtitipon ng mga Samahan ng pamilya at komunidad ng Chinese at Asian/American sa buong Chinatown, Richmond, Sunset, Visitacion Valley at Daly City.

 

Si David ay nagbihasa ng maraming boluntaryo at mga tauhan upang turuan ang mga botante sa komunidad ng AAPI sa buong Bay Area.

 

 

Dahil sa sama samang pagsisikap, katulong ang mga pinuno ng AAPI at iba’t ibang Samahan, umangat ang mga boto mula sa Asian / American.  Ito ay bunga ng pag abot sa komunidad kasama na ang mga pampublikong kampanya sa Chinese at Tagalog.

 

Noong taong 2002, binigyang parangal ng San Francisco Foundation si David dahil sa kanyang pamumuno na tulungan ang libo libong imigrante at mamamayan na ipaglaban ang karapatang bumoto

Lingkod ng Bayan

Noong 2005, inatasan ni Mayor Gavin Newsom si David na maglingkod sa San Francisco Recreation and Park Commission upang ipatupad ang kanyang mga plano na ayusin ang makalumang Sistema ng mga parke.  Pinamunuan ni David ang capital committee na humahawak ng malaking pondo na nakatalaga sa pagbuo at pag aayos ng mga palaruan, lugar ng libangan at mga parke.  Sa loob ng 7 taong paglilingkod (2005-2012) , pinamunuan nya ang pagsasaayos ng mga proyekto katulad ng Sharp Park, Sava Pool, Sunset Recreation Center, Richmond Playground, Moscone Recreation Center, Rossi Playground, Beach Chalet, Hamilton Recreation Center at marami pang iba.

 

 Pinamunuan rin ni David ang San Francisco Joint Zoo Committee upang tulungang maging makabago ang pasilidad at panatilihing bukas ang San Francisco Zoo para sa susunod na henerasyon.

DSC05276.JPG
bottom of page